Sa nanalo ng Lotto ngayong gabi…
Natitiyak ko na di ka makakatulog. Sabagay pareho lang tayong di makakatulog, ikaw, dahil iniisip mo ang pera mo, ako iisipin ko kung anong gagawin ko bukas…
Ikaw iisipin mo kung pano itatago sa mga kapitbahay mo na mayaman ka na at kung pano mo pprotektahan ang pamilya mo laban sa mga kidnappers, ako iisipin ko kung pano ako maglalaba ng walang gloves dahil sensitive ang kamay ko sa sabon. Iisipin mo din kung saan kayo kakain bukas, san kayo magcecelebrate, san mo gagastusin ang pera mo, ako iisipin ko kung pano ako hindi kakain ng madami at magdiet dahil ako’y tumaba na. Ikaw iisipin mo kung magreresign ka na ba sa trabaho o kung bibilhin mo na ang kompanyang pinagttrabahuan mo. Ako magiisip padin kung kelan muling magbubukas ang oportunidad ng mga nurses sa Pilipinas at kung kelangan ko na bang ipagpatuloy ang propesyon na tinapos ko.
At sana bukas, ipagdadasal ko na sana tama ang maging desisyon mo, at maging ang desisyon ko. Dahil pare-pareho lang tayong nanalo ng Lotto. Ikaw nanalo ng pera, ako nanalo sa pagibig.
- 11.29.10